Powered by Blogger.

Tagalog Kilig Love Quotes

Sponsored

tagalog-kilig-quotes-photo


"Pwede ba tayong magkunwaring mahal natin ang isat-isa??
Tapos totohanin nalang natin pag-naniwala na sila."

Nangyare naba ito sa inyo? Sakin kasi nangyare na ang ganitong
sitwasyon, peru nauwe lang sa hiwalayan.

Alam niyo naman ang barkada, tutuksuin ka nila
kapag wala kang pinakikilalang gf/bf.

Magkababata kami at classmate mula elementary hanggang highschool,
nagkaroon kami ng deal na magkunwaring may relasyon kaming
dalawa. Kapalit ay tutulungan ko siya sa mga projects at assignment niya.

Third year high school kami noon ng magsila kaming magpanggap
na kami dalawa na, syempre marami ang naniwala samin.
Noon pa man ay close na kaming dalawa, kaya hindi mahirap
ang pagpapanggap ng isang magkasintahan.

Siya na yata ang pinaka sweet at pinaka malambing na ideal sweetheart 
para sakin, kinikilig ako sa kanya tuwing ngumingiti siya.
Hanggang sa hindi ko namalayan, unti-unti na pala akong
nahuhulog sa kanya.

Peru siya parang wala lang, kasi nga acting lang. Hanggang sa lumipas ang panahon
at lalong lumalim yung nararamdaman ko sa kanya. Lahat ng ginagawa ko
para sa kanya ay hindi na pagkukunwari, totoo na lahat.

Peru syempre hindi ko maamin sa kanya kasi natatakot akong mareject lang
at masira yung pagkakaibigan naming dalawa. At ang masakit pa, alam ko
na may gusto siyang iba. Peru pinilit kong maging matatag, inisip ko nalang
na habang may pasok pa kami.. akin siya.

Peru syempre hindi ko maiwasan na masaktan lalo na kung kami
nalang dalawa ang magkasama, back to reality na. Ako ang kasama niya
peru iba ang nasa isip niya, yung ikukwento niya sayo kung pano
siya kiligin kapag napapansin siya ng taong gusto niya.

Ako naman patay malisya lang, kunwari magbibigay ng advice
peru ang sama na ng loob ko. Yung parang hindi ka makahinga,
naninikip yung dibdib mo. Tapos pinagdadasal mo na sana
ako nalang yung mahalin mo.

Ang haba pa ng kwento ng buhay pagibig ko, hanggang dito nalang muna.
advertisements

Related

tagalog quotes for him 8582776575992130351

Post a Comment

Featured Post

Best Inspiring Love Quotes

Popular Posts

Google+ Badge

Like Us On Facebook

item